Mansaka Tribe
Ang Mansaka ay isang tribo sa timog na bahagi sa Pilipinas, partikular na matatagpoan sa Davao Del Norte o Compostella Valley.
Ang Mansaka ay kilala sa pag pamamahala ng kanilang mga gawaing pangkabuhayan lalo na sa pagsasaka, sila din ang nakapamamayani na grupo sa Compostela Valley. Sila ay nakatira dito mula pa noong panahong nilikha sila ng "Magbabaya".
Kalahati sa Mansaka tribe ay sumusunod ng "Muslim faith", at ang isang kalahating naman ay pinanatili ang kanilang traditional na pananapampalataya. Ang pangalan na "Mansaka" ay nakukuha sa salita na "man'' tapos ang "saka" naman ay "ascend" sa tagalog pa ay umakyat. Kaya ang ibig sabihin ng "Mansaka" ay, ang pinaka una na mga tao na umakyat sa mga bundok o umkyat sa mga batis.
Ayon ni Datu Onlos. ang Mansaka , Mandaya, at kalagan o kagan tribe. Nuon ay isa lang yan sila na tribo, Gayunpaman naghiwalay-hiwalay sila, yung iba pumunta sa mga bundok (Mansaka) yung iba din pumunta sa itaas na bahagi ng ilog (Mandaya) at ang iba din ay nanatili sa dalampasigan o sa tabi ng ilog (Kalagan).
Nais ng Mansaka tribe na protektahan ang kanilang tradisyon, kaya pag akyat ng mga bundok ay isang paraan sa pag pro protekta sa kanilang pamayanan, Ang mansaka tribe, ay kilala din sa kanilang natatanging costume at gayak.
Ang kanilang sinusuot ay kinasasangkutan ng mga nakatali na tela at burda gamit ang isang sopistikadong sistema ng mga simbolo na may pinangalanang motibo. Ang beadwork at silver craft ay mahusay ding binuo.
Ang Musika naman ng Mansaka, ay kilala sa kanilang ganagamit na instrument na "Gimbal". Ang gimbal ay isang tambol na gawa sa bahi o betel nut at balat ng mga animal (doeskin at male deerskin). Kasama sa kanilang form na pangmusika ang saliada na katulad ng ballad, at bayok sa pag-ibig at pakikipagsapalaran.Sila din ay natututo ng kaniang musika sa pamamagitan ng kanilang namatay na ninuno, na lumilitaw sa kanila sa isang sagrado na lugar sa Masara Mountain.
Comments
Post a Comment