Seven Sundays (Film review)

 "Seven Sundays"


Ang "Seven Sundays" ay isang pelikula na pinalabas nung Oktubre 11, 2017. 

Ang pelikula na ito ay idinirek ni Cathy Garcia-Molina,  ito ay naganap at kinunan sa isang reto sa Tagaytay.


Ang pelikula ay nagsisimula na ilang taon nang hindi nagkikita ang buong pamilya. Mulang namatay ang kanilang ina, nagka hiwalay-hiwalay ang mga magakakapatid na sina Allan, Bryan, Cha at Dex. Nung kaarawan na ng ilang ama, doon din nila nalaman na may sakit pala ang ilang ama "lung cancer". At nung natanggap ng mga magkakapatid ang balitang iyon, agad-agad silang pumunta sa bahay ng ama nila. At yon kung saan sila muling nagkasama pagkatapos ng ilang taon. Hindi sila mapakaniwala sa narining nilang balita, pinagusapan nila ito at nag planno silang magsama-sama bago ang huling araw ng ilang ama, at na bumusita sa kanilang ama tuwing linggo. Sa pagitan ng mga pagbisitang iyon, may natanggap na text ang ilang ama na, wala siyang sakit at na maling-diagnose lang ito ng kanyang doktor. Pero hindi niya to sinabi sa kanyang mga anak dahil, siya ay na takot na baka hindi naraw sila magkikita ulit o na babalik ang dati na hindi na masyado silang nagka kamustahan dahil lagi silang busy. Lumipas ang ilang araw at nalaman din to ng kanyang mga anak. Pagkaalam nila nito magkahalong ang ilang mga damdamin, na masaya sila sa balita pero sabay ding may pagkagalit na baket sinekreto lang ito ng kanilang ama. Tumagal ng ilang araw na magka usap at na magka okay ang pamilya. Pero isang araw nagka balik balikan din sila. Pinagusapan nila ito. At nagpangako sa isat-isa na lagi silang magkakamusta at magbibisita sa kanilang ama.


Itong pelikula na ito ay naglalahad ng mga aral tungkol na, kailangan natin gumugol ng oras sa ating pamilya bago dumating ang ilang oras na mawawala sila. At sa pagtatapos ng araw, ang pamilya ay ang pinaka importaneng bagay na mayroon satin.


Para sakin ito ang pinaka magandang pelikula na iyakan ko talaga, maraming beses na namin tong pinanood kasama ang aking pamilya. Ito din ang pelikulang magandang nag pre presenta ng pamilya dahil hindi lang din pamilya yung pinapakita, pinapakita din sa pelikula ang mga hamon na. Naharap nila sa ilang indibidwal na buhay. Ipinakita din nila kung gaano kahalaga ang mga values natin sa ating pamilya. Para sakin kasi importante yang ma alam ng mga bata lalo na sa maagang edad, dahil may possibilidad ding mangyayari yan sa malapit na kinabukasan. At na mahaharap natin tong mga sitwasyon.


E rerecommend koto sa mga kapamilya ko, mga mag-aaral, at sa mga kaibigan ko. Dahil maganda tong pelikula at, marami kang matutunan at ma paghulo sa pelikula na ito

Comments

Popular posts from this blog

How to get a good score for a quiz

MY INTRAMS JOURNAL

Mansaka Tribe