MARINE POLLUTION

 MARINE POLLUTION 


Ang Plipinas ay kilala bilang isa sa mga bansa na, mayaman sa mga natural resources, kasaysayan, at mga Kahanga-hanga na mga dalampasigan at isla. Kagaya ng El Nido, Baracay. At marami pa.



Subalit, ang Pilipinas ay nasa top rank bilang "plastic Polluter", manigit 350,000 na mga Plastic ang pemapasok sa dagat ng Pilipinas. Pero nung 2020 naman, nahinto to saglit. Dahil wala masyadong lumalabas, at yun din ang taon kung saan tumahimik ang mundo. At nung bumalik na sa normal ang lahat. Doon din lumala ang mga pangyayari kagaya ng climate change, inflation, at marine pollution.

ang marine polltion ay nanjan na talaga noon pa, may mga ibang gawain tayo na nakaka sira sa ating mga dalampasigan o ang marine ecosystem. Kagaya ng pag bomba sa mga dagat para makuha ang mga isda. O kaya pag tapon ng mga chemical na nakaka lason sa mga isda na kinakain din natin.

Mas lumala talaga ang Sitwasyon natin ngayon. Kaya dapat natin alagaan ang ating mga marine ecosystem, at maghanap ng mga solusyon para ma bawasan ang problema na eto. Paano natin magagawa to?  Marami tayong mga solusyon para dito, ang pinaka basic na magagawa natin. ay ang pag tatapon ng mga basura natin sa tamang lugar. kagaya sa Biodegradabk o non-biodegradable na basurahan. 
                                                                              


Kailangan nating alamin kung ano ang tama o mali sa mga ginagawa natin, dahil hindi natin alam kung ano yung impact nito sa ating mindo. Kagaya ng pagtatapon ng basura, madali lang siyang gawin na  magtapon ng basura kahit saan pero malaki ang epekto nito sa ating mundo, hindi lang ang mga wildlife o mga hayop natin ang maa apektohan dito pero pati din yung hangin na hinihinga natin, mga natural resources tsaka mga yamang lupa natin.
Isa pa sa mga solution na maari nating gawin ay ang pag bawas sa pagagamit ng plastic. Kagaya ng mga ibang tindahan ngayon, na nag susupporta ng gawain na ito. Mga paper bag, paper straws, at paper cups na yung ginagamit nila, hindi na plastic.
Marami na ring mga protest na naganap tungkol dito, kagaya ni Greta Thunberg na nagsalita sa UN Climate Action Summit.


Bilang isang studyante ako ay natatakot sa near future, natatakot sa pag isip sa mga sitwasyon natin ngayon worldwide, kagaya ng gera, climate change, iba pa. Kahit na estudyante lang ako, gusto kong gumawa isang bagay na makaka bago sa mundo o makakatulong sa mundo At dahil sa talumpati ni Greta Thunberg, doon ako naka isip na dapat may ginagawa na tayo ukol dito. Dahil sa maraming mga protesta at mga scientist na binibigyan tayong ng warning sa mga suliranin na maari nating mahaharap. Wala pa talagang nag bago, araw-araw lumalala parin ang marine pollution, ang usage of plastic din lumalala na. Dapat tayo umaction sa pagbawas ng marine pollution dahil kung ipapatuloy natin to, ang maaring mangyayari dito ay. Makaka unlad ito ng mga delikado na lason na nakakaapekto saatin din mismo na mga tao, wildlife, at kalikasan. Dapat lagi nating e alala na may mga kahihinatan ang mga gawain natin. Ang mundo natin ay ang ating tahanan, kaya gawin natin ang makakaya, kahit maliit lang na bagay o action, para maalagaan natin ang ating mundo.

Comments

Popular posts from this blog

How to get a good score for a quiz

MY INTRAMS JOURNAL

Mansaka Tribe